top of page
ggg_edited.jpg

KOOP NEWS!

𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟰

Ang Cooperative Month ngayong Oktubre 2024 ay may temang "Cooperatives: Strong Together today for a brighter tomorrow" at tiyak na magiging isang espesyal at makabuluhang selebrasyon. Ang temang ito ay sumasalamin sa diwa ng kooperasyon at pagkakaisa para sa isang mas maliwanag na kinabukasan.

Markahan na ang inyong mga kalendaryo at maghanda sa pakikilahok sa mga nakakaengganyong aktibidad na inihanda para sa Regional, Provincial, at Municipal Level ng Mariveles sa pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba ngayong Oktubre.

_____________________________

PROVINCIAL KICK-OFF ACTIVITIES

Date: October 1, 2024

Venue: Bataan Peoples Center, Balanga City

_____________________________

PROVINCIAL COOP MONTH TRADE FAIR

Date: October 2-4, 2024

Venue: The Bunker Building, Capitol Compound, Balanga City

_____________________________

BUSINESS OPPORTUNITY SEMINAR

Date: October 9, 2024

Venue: The Bunker Building, Capitol Compound, Balanga City

_____________________________

PARENT COUNCIL LIVELIHOOD TRAINING SEMINAR

Target Group: Lower Mariveles Cluster

Date: October 16, 2024

Venue: MWCMPC Building, Alejo St., Brgy. Camaya, Mariveles, Bataan

Time: 9 AM to 12 NN

_____________________________

COOPERATIVE DEVELOPMENT SKILLS AND ENHANCEMENT FOR BRGY. FOCAL PERSON ON COOPERATIVE AFFAIRS

Date: October 16, 2024

Venue: MWCMPC Building, Alejo St., Brgy. Camaya, Mariveles, Bataan

Time: 1 PM to 4 PM

_____________________________

REGIONAL KOOPLYMPICS 2024

Date: October 18, 2024

Venue: Aurora Convention Center, Brgy. Reserva, Baler

_____________________________

WORKSHOP ON FILING OF BIR FORMS & FINANCIAL LITERACY SEMINAR

Date: October 23, 2024

Venue: The Bunker Building, Capitol Compound, Balanga City

_____________________________

CDA AMNESTY ORIENTATION PROGRAM

Date: October 24, 2024

Venue: The Bunker Building, Capitol Compound, Balanga City

_____________________________

2024 KOOP PUGAY AWARDS: “GABI NG PAGKILALA”

Date: October 25, 2024

Venue: Romalaine’s Seafood Restaurant, Roman Hi-way, Brgy. Alas-Asin, Mariveles, Bataan

Time: 6 PM onwards

_____________________________

2024 GALING BATAAN AWARDS: “SEARCH FOR MOST OUTSTANDING COOPERATIVE AND MSMEs”

Date: October 30, 2024

Venue: Bataan Peoples Center, Balanga City

_____________________________

"Samahan kami sa pagdiriwang ng pagkakaisa at kooperasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan!

#1Bataan

#YesMariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

#cooperativemonth2024

#MCDC

461263072_515139314704378_547562288468378402_n.jpg

TINGNAN:

𝟏𝐬𝐭 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧-𝐖𝐢𝐝𝐞 𝐂𝐃𝐎 (𝐂𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬) 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 na ginanap mula ika-18 hanggang ika-19 ng Setyembre sa Venus #19 Kisad Road, Burnham Park, Baguio City, ay nagsilbing mahalagang plataporma para sa mga delegado mula sa buong Luzon, kabilang ang Bataan at LGU Mariveles. Pinangunahan ni Engr. Rolando Cruz, Municipal Cooperative Officer ng Mariveles, kasama ang kanyang mga Staff, layunin ng kumperensya na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga Cooperative Development Officers (CDOs) sa larangan ng cooperative development.

Sa ilalim ng temang "Empowered CDOs: Championing Cooperative Development," itinatampok ng kumperensya ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga CDOs upang harapin ang mga pangunahing isyu at hamon sa sektor ng kooperatiba. Bukod dito, itinataguyod nito ang mas matibay na pagkakaisa at kooperasyon upang makapaghatid ng mas epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa kani-kanilang lokalidad.

Pinangunahan ng Liga ng Cooperative Development Officers of the Philippines (LCDOP) ang kumperensya, na naglalayong palalimin ang ugnayan at suporta sa pagitan ng mga opisyal upang higit pang mapaunlad ang mga kooperatiba sa buong Luzon.

#1Bataan

#YesMariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

#lcdopsakalam

459866295_1262031228485497_6591756360783844347_n.jpg

𝘽𝙍𝙂𝙔. 𝙁𝙊𝘾𝘼𝙇 𝙋𝙀𝙍𝙎𝙊𝙉 𝙊𝙉 𝘾𝙊𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙑𝙀 𝙇𝙄𝙑𝙀𝙇𝙄𝙃𝙊𝙊𝘿 𝘼𝙁𝙁𝘼𝙄𝙍𝙎 | 𝙈𝙊𝙉𝙏𝙃𝙇𝙔 𝙈𝙀𝙀𝙏𝙄𝙉𝙂

Noong ika-3 ng Setyembre, araw ng Martes, idinaos ang pagpupulong sa Multi-Purpose Hall ng Barangay Camaya sa pangunguna ng Brgy. Hosting of Assn. ng Brgy. Camaya. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Acting Vice Mayor at SB-chair ng Committee on Cooperatives, Hon. Ronald Arcenal. Kasama rin sa nasabing aktibidad si Municipal Cooperative Head Officer Engr. Rolando Cruz at ang Parent Council ng Brgy. Camaya.

Isa sa mga tinalakay sa pulong ay schedule of Livelihood Trainings (for Dishwashing Business Opportunity)

Bawat barangay ay magpapadala ng tatlong kalahok mula sa kanilang Parent Council para sa pagsasanay sa paggawa ng dishwashing liquid. Ang training ay gaganapin sa ika-24 ng Setyembre.

Schedule on Cooperative Development Seminar for Barangay Focal Persons

Naging bahagi rin ng talakayan ang iskedyul ng seminar para sa mga Barangay Focal Person on Cooperatives, kabilang ang Chairperson on Cooperatives, Vice Chair, at iba pang mga miyembro. Ang seminar ay itinakda para sa buwan ng Oktubre 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Coop Month.

Discussion with Parent Council (Initial Livelihood Project)

Sa huling bahagi ng pulong, napag-usapan ang mga inisyal na livelihood projects kasama ang Parent Council bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga kabuhayan sa barangay.

#1Bataan

#YesMariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

458375026_498606753024301_1387841387514456608_n.jpg
455132779_484192121132431_2315557436901079089_n.jpg

𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐂𝐈𝐋 (𝐌𝐂𝐃𝐂) 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇𝐋𝐘 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆
Sa matagumpay na MCDC monthly meeting na ginanap ngayong Miyerkules, ika-14 ng Agosto, sa SB Conference Room, 2nd floor, Municipal Hall Bldg., Mariveles, Bataan, pinangunahan ito ni MCDC Chairperson Bb. Ofelia Hipolito, kasama si MCDO Head Officer Engr. Rolando Cruz, at Cooperative Development Division Head ng PCEDO Bataan na si Ms. Aliw Jose. Dumalo rin sa pagpupulong si Bb. Angelica Herico, CDS II mula sa CDA Region III Extension Office
Nakasama rin sa pagpupulong si Hon. Jeffrey E. Empleo, ang presidente ng Focal Person on Cooperative Affairs ng Barangay San Carlos.
Tinalakay ang iba't ibang mahalagang agenda tulad ng 2024 Kooplympics na gaganapin sa Aurora Convention Center, Brgy. Reserva, Baler, mula ika-17 hanggang ika-18 ng Oktubre, na may temang "KOOPERATIBA SA REHIYON 3 KAISA NG PAMAHALAAN SA PAGTATAGUYOD NG KASARINLAN NG PILIPINAS." Inilahad din ang mga detalye tungkol sa 3rd Region 3 Tripartite Conference na gaganapin sa Venus Parkview Hotel, Baguio City, mula ika-20 hanggang ika-22 ng Nobyembre. Nagbahagi rin ng mga updates mula sa iba't ibang ahensya ng kooperatiba tulad ng CDA, PCEDO, MCDO, at mga iba't ibang kooperatiba.

TINGNAN!

𝑷𝑹𝑶𝑽𝑰𝑵𝑪𝑰𝑨𝑳 𝑩𝑨𝑻𝑨𝑨𝑵 𝑪𝑶𝑶𝑷 𝑴𝑶𝑵𝑻𝑯 𝑪𝑬𝑳𝑬𝑩𝑹𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 2024

Isang masayang pagdiriwang at unang aktibidad na nilahukan ng Mariveles Municipal Cooperative Development Council (MCDC) ngayong buwan ng Oktubre. Ito'y ginanap sa Bataan People's Center, Balanga City, Bataan noong ika-1 ng Oktubre, araw ng Martes. Ang nasabing aktibidad ay ginugunita ang pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba, na may temang "Cooperatives: Strong Together Today for a Brighter Tomorrow."

Ang aktibidad ay inihanda ng Provincial Government of Bataan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) sa pakikipagtulungan sa Bataan Cooperative Development Council (BCDC) para sa mga kooperatibang nasasakupan ng lalawigan ng Bataan.

#1Bataan

#YesMariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

#MCDC

#cooperativemonth2024

461922847_519655030919473_8148821582599231851_n.jpg

461799063_519567744261535_1912876179496658320_n.jpg

𝑃𝑎𝑔𝑑𝑖𝑟𝑖𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝐵𝑢𝑤𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐾𝑜𝑜𝑝𝑒𝑟𝑎𝑡𝑖𝑏𝑎 2024 𝑠𝑎 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑣𝑒𝑙𝑒𝑠

Ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamumuno ng ating butihing Mayor Atty. Ace Jello C. Concepcion, Vice Mayor Angelito S. Rubia, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kasama ang Municipal Cooperative Development Office (MCDO) at Municipal Cooperative Development Council (MCDC), ay buong pusong nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba 2024 na may temang 'Cooperatives: Strong Together Today for a Brighter Tomorrow.' Maligayang Buwan ng Kooperatiba sa ating lahat!

#1Bataan

#YesMariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

#cooperativemonth2024

August1726884606503.jpg

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭𝐚𝐥 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐮𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐯𝐞𝐥𝐞𝐬Ngayong araw ng Sabado, ika-21 ng Setyembre, matagumpay na isinagawa ang International Coastal Clean-up sa bayan ng Mariveles. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng taunang sabayang paglilinis sa mga baybayin. Nilahukan ito ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) at ng Mariveles Municipal Cooperative Development Office (MCDO)

 

#1Bataan

#YesMariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

#InternationalCoastalCleanUp2024

𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 - 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠

Sa espesyal na pulong ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) noong Setyembre 12 sa MPMDC Conference Room, pinangunahan ito ni MCDC Chairperson Ofelia Hipolito at ni MCDC Vice-Chairperson Milagros Macaraig. Tinalakay nila ang mga paghahanda para sa pagdiriwang ng Cooperative Month sa Oktubre, kabilang ang mga plano para sa mga aktibidad sa Aurora, Baler, at ang mga aktibidad sa Mariveles, tulad ng "Koop Pugay (Koopreneurs)." Ibinahagi ni Mary Ann Bernabe mula sa Cooperative Development Division (CDD) ng PCEDO Bataan ang mga detalye ng provincial activities.

#1Bataan

#YesMariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

August458084940_1213845699816688_6228878033407066757_n.jpg

𝗕𝗖𝗗𝗖-𝗠𝗖𝗗𝗖 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 - 𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠'𝟮𝟰

(𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬)

Matagumpay na naisagawa ang Tree Planting Activity bilang bahagi ng BCDC-MCDC Collaboration na may temang "Alay Tanim '24," na ginanap noong ika-22 ng Agosto sa Brgy. Palili, Samal, Bataan. Ang aktibidad na ito ay naglalayong itaguyod ang pangangalaga at pagpapayabong ng ating kapaligiran bilang suporta sa mga inisyatibo ng pamahalaan at mga kooperatiba. Kasama ang Provincial Cooperative and Enterprise Development Office PCEDO Bataan, sa pangunguna ni Bb. Aliw Jose, CDD Head, at mga CDD staff na sina Mary Ann Bernabe, Jillian Mañago, G. Asser Pizarro at G. Jowell Paguio

Kasama rin ang Municipal Cooperative Development Council (MCDC) ng Mariveles at si Engr. Rolando Cruz, Head Officer ng Mariveles Municipal Cooperative Development Office. Maraming miyembro ng komunidad at mga organisasyon ang nagkaisa upang isulong ang adhikaing ito para sa kalikasan.

Ang pagsasagawa ng tree planting ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kalusugan ng ating kalikasan at labanan ang negatibong epekto ng climate change. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pakikiisa ng bawat isa, unti-unti nating mabibigyan ng luntiang hinaharap ang ating mga susunod na henerasyon. Sama-sama nating ipagpatuloy ang ganitong mga hakbang para sa mas malinis, mas sariwa, at mas luntiang kinabukasan para sa ating lahat.

#1Bataan

#YesMariveles

#MarivelesMunaMarivelesUna

#alaytanim2024

#MCDC

456478482_489636340588009_2716668068324398842_n.jpg
bottom of page